Bagong Henerasyon Partylist Para sa 2010!
Ang BAGONG HENERASYON PARTYLIST ay isang bagong Partylist na lalahok sa darating na halalan ngayong 2010. Kinakatawan ng BH Partylist ang mga sektor ng Kababaihan, Kabataan, at Sambayanan ng Komunidad. Handang lumahok ang BH Partylist upang magkaroon ng kinatawan sa Kongreso ang mga sektor na nabanggit.
May sapat na karanasan. May maningning na kasaysayan. Marami na ang natulungan at naiangat ang kabuhayan. Handa na ang BAGONG HENERASYON sa panibagong larangan. Handang-handa na ito sa darating na halalan.
Kababaihan. Kabataan. Sambayanan. Ito ang tatlong sektor na sinimulan at tinitindigan ng BAGONG HENERASYON. Ito rin ang mga sektor na nagbigay ng buhay, naging inspirasyon, at tuloy-tuloy na naging kaagapay ng BAGONG HENERASYON. Ang karapatan at kapakanan ng tatlong sektor na ito ang dadalhin ng BAGONG HENERASYON sa Kongreso.
TULOY ANG LABAN KASAMA ANG SAMBAYANAN!

|